Pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga pandaigdigang hamon sa sangkatauhan sa kabila ng malawak na pagkakaiba-iba ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya tungo sa pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at matatag na kinabukasan.

Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig.

AP 9 ECONOMICS